Sunday, May 11, 2008

loosing weight

i started gaining weight since i stopped my regular visit to the gym...
i dunno if its a myth pero sabi nila pagnagstop ka you'll actually gain more than what you loose.

well i am partly to be blamed.
medyo naging magana rin kasi ako sa pagkain lately especially during my last visit sa probinsya ng mommy ko sa biliran.

my mom's ginataang adobo was truly irresistable.
plus hindi ko rin napigilang matakam sa mga cakes na luto niya...

kaya pagbalik ko dito sa manila i noticed na iyong mga damit ko hindi na magkasya...HAHA!

but it's something that should not be laughed at...

coz in tv 10lbs ang dagdag kaya lalong tataba.

i would be a hypocrite if i'd say hindi ako conscious sa sarili but what bothers me alot is the fact that i'm having a hard time now loosing wight.

recently i tried dietary supplements...i also ommited rice in my meals pero di pa rin nababawasan.

kulang din kasi sa time for exercise and siyempre stress sa araw-araw na trabaho---puyat and pagod...

but i am more determined now.

hopefully by june balik na ako sa dati!

goodluck sa akin.

Wednesday, May 7, 2008

PARA KAY TITA GIRLIE

super easy lang pala ang magcreate ng blogspot...
i thought medyo complicated siya since i didn't have the luxury of time before to explore the net and iyong pagb-blog mismo.

i know medyo lipas na ang kasambahay month (actually hindi yata siya masyadong nabigyan ng highlight this year unlike last year na may declaration pa si President Arroyo...) pero wala naman sigurong panahon ang pagbibigay pugay sa mga taong bahagi na di lang ng ating tahanan kundi pati na ng ating pamilya.

para kay tita girlie

lulan ako ng isang bus pauwi sa bahay namin sa bulacan isang sabado ng gabi.
pumuwesto ako sa may bandang gitna---sakto sa lamig ng aircon hindi pa takaw mata sa mga mandurukot.

madalas tulog ako sa biyahe dahil sa maghapong trabaho bilang mamahayag pero napukaw ang aking pandinig nang malakas na kwentuhan at tawanan ng dalawang babae sa aking likuran.
sa paglingon ko sa kanila tantya ko nasa edad disinueve o beinte ang edad ng dalawa.
sa ng kanilang tinig bakas ang kasiyahan---
day off pala nila noon at pauwi na mula sa maghapong pamamasyal.
mula sa mga paborito nilang telenovela na marimar at kamandag
biglang natuon sa kanilang amo ang usapan...mabait naman daw ang mga ito.
Pinapakain sila ng tama at di nahuhuli sa pagpapasweldo.
pero sa hirap daw ng buhay di pa rin sakto ang dalawang libong pisong sweldo.
Di ko na naitanong kung anong pangalan nila maging kung saan sila nakatira hanggang sa tuluyan silang bumaba sa sasakyan.

Ang "Kasambahay Bill" na kasalukuyan pa ring nakabitin sa mababang kapulungan---naglalayong itaas ang sweldo ng mga kasambahay mula tatlong libong piso para sa mga naglilingkod sa metro manila, at 2,500 pesos naman para sa mga nasa probinsya.
huli itong tinalakay sa senado ni Senador Jinggoy Estrada noong taong 2006.

napako na ang pagtalakay dito hanggang matapos ang taong 2007.

ayon sa visayan forum foundation, isang non government organization kung tutuusin napakaliit lang ng hinihingi ng mga kasambahay kapalit ng serbisyong kanilang inihahatid.
kaya bumibilang man daw ng taon para maisabatas na ang panukalang ito hindi sila mananawa sa pagpupursige.

halos lumaki rin ako sa piling ng aming kasambahay...

isa kasing ofw ang aking ama noon habang nagoopisina naman ang aking ina...
kaya madalas sa yaya kaming apat na magkakapatid naiiwan.
minsa napapalo rin, matigas kasi ang ulo ko noong bata...hehe!
pero kung naging masipag man ako sa eskwela...utang ko iyon sa pagpupursige ng aking tita girlie na walang pagod sa pagtuturo sa akin na magbasa.
sa halos sampung taon niyang pagseserbisyo sa pamilya namin---hindi niya na kami itinuring na iba.
kinalaunan pa nga ikinasal siya sa kapatid ng aking ina.
hindi na siya kasambahay ngayon pero simbolo siya para sa akin kung gaano kadakila ang mga kasambahay.
hindi ka man nila kadugo, higit pa iyong concern na ibinibigay nila sa iyo...
kaya para sa mga gaya ni tita girlie SALUDO ako sa inyo!